Finish na...
- Frennie Sadicon Maac Mayorga
- Oct 13, 2018
- 1 min read
Putangina! Paulit-ulit na nanonood ng mga love story na walang katotohanan para saktan ng paulit-ulit yung sarili ko kasi tangina deserve ko yata talaga. Yung habang nanonood ka ng movie direcho ang lagok mo sa beer na noon ni hindi mo nga maatim ang amoy pero ngayon, best friend mo na.

Tangina, oo hindi ako perpekto pero I always try to be pero parang parallel lines lang sa stats eh, makalapit ka man pero hindi magkakatagpo. Tungunu, wala na bang keber sumaya? Heto nanaman tayo sa...kulang ka sa dasal, kulang ka sa tiwala, kulang ka...pucha palagi naman akong kulang eh. Kulang na nga sa height, sa ganda, sa utak, saan pa? Tangina paki lay out baka sakaling may time pa para maayos ko sya.
Okay lang ako tangina pero hindi talaga, gets mo? Okay tayo kasi kailangan nilang okay tayo pero hindi tayo okay, and that's okay. We have to make ends meet, ang mahalaga buhay tayo pards. Kahit mas bitter pa ang mundo natin sa ampalaya, marami pa rin namang rason at masasayang bagay na masayang gawin sa mundong ibabaw kesa sa 10 feet below the ground. Satan can wait for my soul for a little bit more longer. Ako nga nakapaghintay ng 24 years, sya pa kaya na may eternity to collect souls like mine?
Comments