Let's talk about Cheating
- Frennie Sadicon Maac Mayorga
- Dec 25, 2017
- 4 min read
Updated: Jan 11, 2018
Natanong ako ng isang kaibigan ko ng tanong na to. Nagmessage sya sakin tungkol sa sitwasyon nya at sa nangyari sa kanila ng boyfriend nya. Matagal na daw sila, four years at least at sabi nya, kahit kailan daw, hindi pa sila nag-away ng boyfriend nya kaya may hindi lang sya maintindihan so she asked me a few questions.
Bakit nya ako nagawang lokohin despite sa haba ng panahon na pinagsamahan namin?
Totoo naman na karamihan ng mga lalake ma-effort lang kapag nang liligaw pa lang, may mga lalaki rin naman na patuloy pa rin ang pang liligaw kahit sila na, pero aminin mo, hindi na yun katulad ng dati. Ang pangangaliwa or cheating ay isang bagay na nangyayari despite the length of the relationship. Kung iisipin mo rin na maige, the longer you have known each other, the more you are used to one another’s presence.
Meron nagsasabi na “nanlalamig na ako”, char! Bigyan ng jacket ang koya mo! “Na fall out of love na ako.” “Wala akong nakikitang future sa kanya.” Lahat ng feelings na ito ay valid at hindi unknown to anyone BUT never a good enough reason to cheat on your other half. Lahat tayo at some point, nakaramdam ng ganitong feeling, whether it may be sa isang tao, sa isang hobby or sa material na bagay.

The longer the relationship, the harder it is to keep the fire going. Dyan lumalabas yung pagiging creative nyo as couples kung paano nyo pasasayahin sa iba’t ibang paraan ang isa’t isa.
So to answer her question, hindi sa haba ng relasyon mo masasabi kung kaya ng isang taong talikuran ang pinagdaanan nyo o hindi. Kahit ang isang lalaki/babae na patay na patay sayo noon ay kayang kaya kang ipagpalit sa iba kung hindi talaga ikaw ang sinisigaw ng puso nya.
Gusto kong sugurin yung babae, pero nagtatalo yung puso ko.

Mahirap sagutin itong tanong na to kasi ang reaksyon ng isang tao sa ganitong sitwasyon only comes when you are actually in the moment. May mga nagsasabi na babasagin daw nila yung mukha ng kabit or ibabaon daw nila sa lupa, don’t get me wrong, I know some people are actually capable pero again, sabi ko nga, hindi mo alam kung anong magagawa mo kapag nasa harap mo na.
Pero ito ang iisipin mo kung papatulan mo yung kabet:
1. Worth it ba ng sakit ng katawan?
2. Willing ka ba bumaba sa level nya?
3. May maa-achieve ka ba?
4. Ikakasaya at ikakagaan ba yan ng loob mo?
Ikaw na ang bahalang sumagot para sa sarili mo.
Iniiwan ba nila tayong mga babae dahil nakakita sila ng mas better?
Siguro sa tanong na to, dapat mag gawa ako ng field research pero wala akong lakas ng loob na gawin yan! Haha! Pero yung totoo? Hindi sa lahat ng pagkakataon, nangangaliwa sila dahil may dumating na mas better. Merong mga lalake/babae na naghahanap ng “panandaliang saya”, meron din yung mga sinasabi nila na “I was drunk, babe” or sa mas karamihan, init lang daw ng katawan.
So to answer the question, hindi sa lahat ng oras, umaalis sila or nangangaliwa dahil may much better option. Maraming rason yan, ang kailangan mo lang gawin is decipher which one is the real reason.
Masama ba akong tao dahil hindi ko pa sya kayang patawarin?
Simple answer is no. Naniniwala ako sa “the key to living a good life is to live a life that is free of hate”, pero hindi ibig sabihin na patatawarin din natin sila agad-agad. Lahat tayo ay iba-iba ang capacity kaya minsan, yung iba satin ay natatagalan bago makapag-patawad.
Ang pagpapatawad is up to our own pace at walang mali dun. Walang time frame or due date kung kailan tayo dapat magpatawad. Bago natin mapatawad ang isang tao ng buong puso, we also have to forgive ourselves first and heal our wounds. Ang hindi pagpapatawad agad-agad may be seen sometimes as if napaka-harsh naman natin or napaka-bitter natin. Masasabi ko lang, let them think whatever they want to think about you, hindi mo yun kawalan. Hindi mo rin mababago ang isip ng mga taong madumi at mali ang mga intensyon kasi naka-set na yan sa mga utak nila. Trying to prove a point to them or even explain yourself to them is like tyring to push building, bukod sa imposible, pinapahirapan mo pa yung sarili mo.
Sa sobrang sakit parang gusto ko ng bumigay. Hindi ko alam gagawin ko.
I’ve been through heartaches myself and I know that it is unexplainably painful. Walang salita sa dictionary na makakapagexplain ng sakit, basta ang alam lang natin, masakit sa puso at napakahirap huminga. Sa mga ganitong panahon, feeling natin nawalan tayo ng isang parte ng katawan natin kasi biglang ang hirap kumilos, ang hirap mabuhay ng wala sila sa buhay. It’s like getting used to walking again, but this time, without one of your limbs.
Be with your family and real friends. Sinabing kong real friends kasi merong mga “kaibigan” na kunwari nakiki-simpatya pero nakikinig lang sa mga hinanakit mo para may mai-chismis sa ibang tao. Alam ko minsan hindi ang family natin ang first option natin kasi natatakot tayo na baka masermonan tayo at higit sa lahat, masabihan ng “I told you so”. Don’t dwell on this alone. Magdasal ka, kausapin mo yung nasa itaas, ibuhos mo sa kanya ang sakit na nararamdaman mo, seek for His guidance and read random verses that relates to what you are going through. See what the Bible has to say when you’re hurting, doon ka makakahanap ng lakas ng loob.
Hindi solusyon sa problema ang pag-cut or suicide. Hindi nito mababawasan ang problema mo kundi madadagdagan lang ng peklat ang balat mo at heartaches ang pamilya mo. Minsan kasi, gusto natin na mawala na yung sakit at ang easy way out is suicide, let me tell you now, it is never the answer, its just another door to a bigger problem and heartaches doon sa mga taong maiiwan mo. Maraming paraan, at tandaan mo, hindi cheating ang puputol sa kinabukasan mo, hindi cheating and mag-stop sayo from moving on to the next stage of your life and your future endeavors at higit sa lahat, hindi cheating ang karapatdapat mong maging katapusan. You deserve a better ending, at least give yourself a chance at that.
Comments